Mahalaga para sa mga employer na maunawaan ang kanilang mga obligasyon at responsibilidad sa ilalim ng National Labor Relations Act (NLRA). Ang paunang salita sa NLRA ay nagtatatag ng patakaran ng gobyerno ng U.S. na hikayatin ang pagsasagawa at pamamaraan ng sama-samang pakikipagkasundo. Alinsunod sa patakarang iyon, ang Seksyon 7 ng NLRA ay nagbibigay sa mga empleyado ng ilang mga karapatan, at sa ilalim ng Seksyon 8(a), isang hindi patas na gawi sa paggawa para sa isang employer na panghimasukan ang mga karapatang iyon.
Halimbawa, ang mga employer ay hindi maaaring manghimasok sa mga empleyado o gumawa ng masamang aksyon laban sa kanila kapag sinubukan nilang gamitin ang anuman sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng NLRA, kabilang ang pagsali sa aksyong panggrupo upang tugunan ang kanilang mga kondisyon sa pagtatrabaho o pagtatangkang bumuo ng unyon. Kapag ang mga empleyado ay nakapag-unyon na, ang mga employer ay dapat makipagkasundo sa unyon nang may mabuting loob tungkol sa mga tuntunin at kundisyon ng pagtatrabaho.
Ang NLRA ay ipinapatupad ng National Labor Relations Board (NLRB), isang independiyenteng ahensya na naka-headquarter sa Washington D.C., na may 48 rehiyonal na tanggapan sa buong Estados Unidos.
Pakitandaan na ang impormasyong nakapaloob dito ay maaaring sumailalim sa mga hindi nakasaad na mga eksepsiyon, kwalipikasyon, at limitasyon. Ang mga employer ay maaari ding sumailalim sa mga pagbabawal sa ilalim ng NLRA na hindi nakasaad dito.
Pakisuyong pumili ng isa sa mga sumusunod na tanong upang matuto nang higit pa tungkol sa NLRA at upang malaman kung kanino dapat makipag-ugnayan kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon.
200 Constitution Ave NW, Washington, DC 20210
1-866-487-2365 | TTY 1-877-889-5627